DAVAO CITY – Nahukay ng mga militar ang mga nilibing na mga high powered firearms sa New People’s Army.
Una nito, isinagawa ang operasyon matapos ang impormasyon na ibinigay ng mga sumukong rebelde kaugnay sa mga nilibing nila na armas dahilan na hinukay ito ng mga personahe ng 701st Infantry Brigade, intelligence units ng 104MICO, 66th Infantry Battalion, 48th Infantry Battalion, RMFB 11, RPSB Cluster 8, Davao Oriental Police Provincial Office at intel unit ng Airforce.
Ilan sa mga armas na mga narekober ay kinabibilangan ng isang Cal 7.62 M14 Rifle, isang Cal 5.56 M16 Rifle at isang Cal 5.56 Bushmaster Rifle sa bulubundukin na bahagi ng Sitio Magkilo, Barangay Marayag Lupon, Davao Oriental.
Nagpahayag ng pasasalamat si 701st Brigade Commander Col. Oliver Maquiling sa naging kooperasyon na ibinigay ng mga dating NPA dahilan na nagtagumpay ang kanilang operasyon.