-- Advertisements --
DAVAO CITY – I-prenesenta ng mga militar sa ilalim ng 1003rd Brigade Philippine Army ang iba’t-ibang matataas na kalibre ng armas at eksplosibo na dinala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko sa gobyerno.
Ang mag nasabing aktibidad ang dinalohan mismo ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na isinagawa sa Davao City Hall kahapon ng hapon.
Sinasabing ang mga rebel returnees ug mga sumukong rebelde ang isasailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integrated Program (E-Clip) ng gobyerno para matulongan ang mga ito na makapagsimula ng bagong buhay.
Sinasabing mula buwan ng Enero, aabot na sa 12 mga engkuwentro sa pagitan ng 1003rd brigade Philippine army at New People’s Army (NPA).