-- Advertisements --
Kinumpirma ng Afghanistan intelligence agency na napatay nila ang isa sa mataas na lider ng al-Qaeda leader.
Si Asim Umar, ang namumuno ng al-Qaeda sa Indian Subcontinent (AQIS) ay napatay sa isang raid sa Taliban compound sa Helmand province noong Setyembre 23.
Ayon pa sa National Directorate of Security (NDS) na mayroong 40 sibilyan din ang napatay sa nasabing operasyon.
Kabilang din na napatay sa nasabing raid ang anim pang ibang miyembreo ng AQIS.