CENTRAL MINDANAO-Isang mataas na lider ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang sumuko sa pamahalaan sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang rebelde na si Pedro Arnado,residente ng Barangay Sto. Niño, Arakan, Cotabato.
Si Arnado ay National Treasurer at Regional Chairman ng KMP- Southern Mindanao Regional Committee.
Nagpasyang sumuko si Arnado sa pamamagitan ni Cotabato 2nd District Congressman Rudy Caoagdan at agad namang itinurn-over sa 1002nd Brigade ng Philippine Army sa Magpet, Cotabato.
Si Arnado ay isa sa mga nanguna sa naganap na bloody dispersal sa Kidapawan City noong 2016.
humingi ng paumanhin si Arnado sa mga nahikayat nito na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pakikibaka sa gobyerno.
Sinabi ni Arnado na mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte noon ding 2016 ay unti-unti na ring humina ang kanilang kilusan lalo na ang KMP, maliban pa na siya na lang natitirang lider ng KMP sa Southern Mindanao matapos na nauna nang nagbalik loob sa pamahalaan.
Dagdag pa ni Arnado na ang dahilan kung bakit natagalan bago ito sumuko sa pamahalaan ay dahil sa paniniwalang aabusuhin ito ng militar.
Ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ay grupo na nagsusulong sa karapatan ng mga maliliit na magsasaka.
Kaylan man ay hindi na maibabalik ang higit dalawang dekadang nasayang sa pananatili sa loob ng kilusan, pero umaapela ngayon ang dating matapang at palaban na lider ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP sa mga dati nitong kasamahan na sumuko na sa pamahalaan.