-- Advertisements --

Kabilang ang top military official ng India sa nasawi matapos ang pagbagsak ng Indian Air Force (IAF) sa New Delhi.

Kinumpirma ng Indian Air Force na nasawi si Chief of Defense Staff Gen. Bipin Rawat sa 14 katao na lulan ng helicopter.

Bipin Rawat
Gen. Bipin Rawat

Maging ang asawa nito na si Madhulika Rawat ay isa sa mga pasahero ng bumagsak na helicopter.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa pagamutan ang nakaligtas na si Group Capt. Varun Singh.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagbagsak ng helicopter.