-- Advertisements --
Pangungunahan ni Chinese Vice Premier Liu He ang pagpunta sa Washington para makiusap at maiwasan ang mas mabigat na ipapatupad na trade sanctions sa kanila.
Inakusahan kasi ng US ang China sa pagbabalewala sa mga napag-usapan nila noong nakaraang buwan na nagdulot sa pagbanta ni President Donald Trump ng pagtaas ng taripa sa may $200 billion halaga ng mga Chinese goods.
Gagawin niyang 25 percent ang ipapataw imbes na sa dating 10 porsyento lamang.
Magiging epektibo sa Biyernes ang nasabing bagong taripa kapag walang kasunduang naabot.