-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nahuli ng mga personahe combined intel operatives ng Police Regional Office-11, NICA-XI at iba pang law enforcement unit ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ng korte.

Nakilala ang nasabing NPA leader na si Marcos Requina, 60, residente ng So Bakayan, Brgy. Sagundanon, Kitaotao, Bukidnon.

Ayon sa otoridad, dating secretary ng Front Committee Kara, WMRC (2011 PSRL), dating platoon medic ng Guerilla Front 53 at 23 Most Wanted sa ilalim ng DND-DILG Joint Order on Reward.

Nabatid na si Requina ay may standing warrant of arrest dahil sa kasong murder sa ilalim ng Regional Trial Court Branch 18 sa Zamboanga del Sur na inilabas ni Judge Renerio (Abraham) Ramas na walang inirekomenda na bail bond.

Dagdag pa ang otoridad, noong taong 2000 nasangkot ang suspek sa harrassment na kanilanhg ginawa sa tropa ng 55th IB Philippine Army.

Nakakulong na ngayon ang suspek at nakatakdang ipresenta sa korte para harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.