-- Advertisements --

Naging biktima ng accidental firing ang isang mataas na opisyal ng PNP.

Nangyari ang aksidente sa Quezon City Police District (QCPD) firing range sa Camp Karingal, Quezon City.

PNP gen rolando hinanay
Maj. Gen. Rolando Hinanay

Ang biktima ay nakilalang si Maj. Gen. Rolando Hinanay, ang chief ng Directorate for Personnel Records and Management (DPRM) sa Camp Crame.

Sa report ni Police Captain Eric Aliño na siyang range master sa QCPD Firing Range, nangyari ang insidente bandang alas-10:45 ng umaga kahapon.

Batay sa report ng QCPD, habang inaasistehan ng range assistant na si Ronnel Alcones ay binunot na ni Gen Hinanay ang kaniyang 9mm pistol at sinisilip na ang kaniyang target.

Nang ibinalik ang kaniyang baril sa holster ay dito pumutok at tinamaan ang kaniyang kanang hita.

Agad siyang isinugod sa St. Luke’s Medical Center ng mga tauhan ng District Medical and Dental Team.

Si Gen. Hinanay ay unang nag-abiso sa QCPD para sa schedule nilang pumutok kahapon kasama ang kaniyang pamilya kasabay ng birthday ng kaniyang anak para sana sa proficiency practice.

Dahil sa aksidente hindi na nagtagal sa firing range ang pamilya ni Gen. Hinanay.