-- Advertisements --
Napatay ng Ukraine ang pangunahing Russian general na responsable umano sa paggamit ng chemical weapons sa mga sundalo ng Ukraine.
Ipinagmalaki ng Ukraine ang pagkasawi ni Lieutenant General Igor Kirillov ang namumuno ng Nuclear, Biological and Chemical Protection Troops.
Tinaniman ng Ukraine ng bomba ang kaniyang motorsiklo na nakaparada sa apartment nito sa Moscow.
Kasama nitong nasawi ang kaniyang assistant.
Pagkalabas ng dalawa sa gusali sa bayan ng Ryazansky Prospekt sa Moscow ay doon sumabog ang bomba.
Ang 54-anyos na si Kirillov ay siyang pinaka-senior Russian military officer na napatay sa teritoryo ng Russia.
Tiniyak naman ng Russia na sila ay gaganti kung saan tinawag nila ang pangyayari bilang isang uri ng terorismo.