-- Advertisements --
Kinumpirma ng US State Department na isang mataas na opisyal nila ang bumisita sa China.
Kasunod ito sa pagkansela ni Secretary of State Antony Blinken dalawang buwan na ang nakakalipas.
Sinabi ni department spokesman Vedant Patel na dumating nitong Martes sa China si Rick Waters ang namumuno sa “China House” na siyang nagbabantay ng polisiya ng US sa China.
Nagtungo ito sa Shanghai at Hong Kong at nakipagpulong sa ilang opisyal doon.
Hindi naman na binanggit ang mga napag-usapan sa nasabing pulong.
Magugunitang kinansela ni Blinken noong Pebrero ang biyahe sana nito sa China dahil sa usapin umano ng spy balloon na namataan sa US na galing umano sa China.