CAUAYAN CITY – Isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang dinakip ng mga otoridad sa Diffun, Quirino
Ang dinakip ay si Reynaldo Busania alyas “Rey”, binata at residente ng Magsaysay, Diffun Quirino.
Inaresto ang suspek ng mga kasapi ng Diffun Police Station, Quirino Police Provincial Office, CIDG Quirino at mga sundalo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Eufren Changale ng RTC branch 38,Cabarroguis,Quirino sa kasong Robbery at Serious Illegal Detention laban kay Busania.
Bukod dito ay isinilbi rin ang warrant of arrest ng mga otoridad laban sa suspek sa kinakaharap na kasong murder with multiple frustrated murder na ipinalabas sa RTC Branch 17 Ilagan City, Isabela bukod pa sa kasong Carnapping na ipinalabas ng RTC branch 28 Maddela.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Busania.
Si Alyas Rey ay Lider ng Northern Front and Head Communication Regional Organization Department ng NPA.