-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Agriculture (DA) ukol sa naunang napaulat na mataas na presyuhan ng karne ng manok sa Muñoz market, isang public market sa Metro Manila.

Batay kasi sa naunang report, umaabot sa P250 ang kada kilong presyo ng ibinebentang manok rito.

Ito ay malayong mas mataas kumpara sa dapat sana’y P200 hanggang P210 na kada kilong retail price.

Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, mayroong nananamantala sa presyuhan ng karne ng manok, kaya’t labis na ang pagtaas ng presyo.

Nagtanong na rin aniya ang DA sa pamunuan ng palengke at pinagpapaliwanag ito sa napakataas na presyuhan.

AYon pa kay de Mesa, mismong si DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang nag-utos na tingnan ang sitwasyon.

Nais aniya ng kalihim na hindi lamang ang mga sellers ang mapanagot kungdi ang iba pa na posibleng sangkot na mataas na presyuhan.

Babala ng opisyal, nakahanda ang ahenisya na magsampa ng kaso sa mga price manipulator, partikular na ang paglabag sa Act 7581 mas kilala bilang Price Act.