-- Advertisements --

NAGA CITY – Ipinagmalaki ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang matagumpay na 24-hour simulation excercises na isinagawa sa Lungsod ng Naga.

Sa panayam kay NDRRMC-Asec. Casiano Monilla, sinabi nitong tila isang “comforting effort” ang naturang aktibidad para sa Metro Manila sakaling tumama man ang 7.2 magnitude na lindol.

Aniya, nagpapakita lamang ito na handang-handa nang rumesponde ang CamSur at Naga City lalo sa Taguig City at Pareros kung saan ang mga ito naka-assign.

Kaugnay nito, nag-abiso pa rin si Monilla na ipagpatuloy ang pagiging handa at gawing inspirasyon ang aktibidad para maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari kasabay ng mga kalamidad.

Kung maaalala, isinagawa ang 24-hour Simulation Exercise sa Naga City nitong Hulyo 24 at 25 na nilahukan ng halos 600 katao mula sa iba’t-ibang grupo kasama na ang Provincial at City Disaster Risk Reduction and Management Council.