Binati ng ilang mambabatas ang matagumpay na pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Speaker Martin Romualdez sa World Economic Forum (WEF).
Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, ang pagdalo ng House leader at iba pang mambabatas sa WEF ay nagpapakita sa investors ng unity, at matatag na ugnayan ng government leaders.
Sinabi ni Barbers mahalaga ang papel ng House Speaker sa mga lakad ng Pangulo upang agad na matugunan ang anumang legislative concern.
Sa panig naman ni Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.
Ayon kay Gonzales isinusulong lamang ng Marcos administration ang whole-of-government at whole-of-nation approach sa pagtugon sa national issues.
Layon nito na mabilis na makakagawa ng aksyon ang Kongreso para sa pagpapasa ng mga kinakailangang batas.
-- Advertisements --