-- Advertisements --

Kinilala ng Department of Foreign Affairs ang walang takot na pangunguna ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa pagsasagawa ng rotation and reprovisioning o RORE mission sa BRP Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal.

Walang naiulat na anumang insidente sa kabuuan ng pagsasagawa ng nasabing misyon sa bahagi ng karagatan.

Ayon sa DFA, hindi matatawaran ang ipinamalas na propesyonalismo ng mga personahe ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

Ang isinagawang misyon ay bahagi ng binuong kasunduan sa pagitan ng Pilipina at China.

Nilalayon nito na maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang bansa habang iginigiit parin ang interes ng Pilipinas sa pinag-aagawang karagatan.

Sinabi pa ng DFA na ang naging tagumpay ng misyon ay nagpapakita lamang ng epektibong pagpapairal ng diplomasya sa West Philippine Sea sa halip na kaguluhan.