-- Advertisements --

ILOILO CITY- Patay ang isang matanda matapos hindi nakalabas sa nasusunog na bahay sa bayan ng Guimbal, Iloilo

Ang biktima ay kinilalang si Nicanor Suobiron Jr., 79, at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Granada, Guimbal, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senior Fire Officer 3 Russel Gotera, hepe ng Guimbal Fire Station, sinabi nito na hindi kaagad nakalabas ng buhay ang biktima dahil may iniinda itong karamdaman.

Napag alaman na ang biktima ay tiyuhin ni Senior Fire Officer 3 Russel Gotera.

Ayon kay Gotera, posibleng nagmula ang sunog sa napabayaang kandila.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang nasunog na bahay.

Umaabot naman sa higit P500,00 ang halaga ng nasunog na ari-arian.