-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi na nailigtas pa ang isang matandang binata matapos itong malagutan ng hininga isang arw matapos mahulugan ng niyog nitong nakalipas na Sabado, Enero a-13.

Nakilala ang biktimang si Josefino Sanchez, 61-anyos, residente ng Purok 5, Brgy. Sumilijon nitong lungsod ng Butuan.

Ayon sa kapatid ng biktimang si Belinda Magpindong, nagpa-akyat umano sila sa kanilang niyugan na pinagkukumpol-kumpol naman ng biktimakahit na alam nitong may mga tao sa itaas ng iilang niyog kung kaya’t tumama sa kanyang batok ang isa sa mga ito.

Dinala pa ito sa ospital ngunit namatay din kahapon.