-- Advertisements --
park
Shuklaphata National Park

Natagpuan nang walang malay ang isang 65 anyos na lalaki sa western Nepal matapos atakihin ng isang wild elephant sa isang national park roon.

Ayon kay police district superintendent Gyanendra Acharya, naglalakad umano ang matanda sa isang kagubatan na bahagi ng Shuklaphata National Park sa distrito ng Kanchanpur nang biglang nakasagupa nito ang mabangis na elepante.

Dead on the spot ang lalaki habang ang kasama naman nito ay nakatakas sa pag-atake.

Sa isang pahayag ng WWF (World Wide Fund For Nature) conservation group, ang mga engkwentro sa pagitan ng mga tao at ng mga mababangis na elepante ay nagreresulta sa pagkaubos at pagkasira ng mga halaman, pagkain ng mga hayop, at ang mga natural habitat ng mga ito.

Sa tala, pataas nang pataas ang bilang ng mga nagiging biktima ng ganitong pangyayari sa Nepal sa mga nakaraang taon, kaya’t pinagiingat ang ilang mga residente na nakatira malapit sa kagubatan at sa ilang mga protektadong lugar.