DAVAO CITY – Nagnegatibo na sa red tide ang Balite Bay sa Mati, Davao Oriental matapos ang mahigit dalawang dekada na nagpositibo ito sa delikadong algal bloom na delikado sa kalusugan at nakakamatay.
Kung maalala, taong 2000 nang nagpatupad ng shellfish ban ang Mati City at may inilabas na ordinansa kung saan ipinagbabawal ang pag-harvest ng mga shellfish.
Maliban sa red tide, isang taon din na nagpositibo ang nasabing karagatan ng paralytic shellfish poisoning.
Mismong ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR XI) ang nagsabi na ligtas nga kainin ang mga shellfish Balite Bay.
Dagdag pa ng opisyal na maaari na umanong manguha at magtinda ng mga lamang dagat na mula sa nasabing karagatan ngunit patuloy itong imo-monitor lalo na at may mga insidente na bumabalik rin ang red tide sa lugar.
Pinayuhan din nila ang mga konsumidores na hanapan nila ng certification ang mga nagtitinda mula sa lokal na pamahalaan na nagpapatunay na ligtas kainin ang mga shellfish na tinitinda sa merkado.