Nakaligtas man sa pananalasa ng Hurricane Ida ang milyong mga residente sa Gulf Coast, asahan naman umano ng mamamayan nila ang naglalagablab na init ng panahon.
Tatagal pa umano ng ilang linggo bago maibalik ang nawalang power supply ng lugar dahil sa sama ng panahon.
Ayon sa mga opisyal, maaaring tatagal pa ng buwan bago maibalik ang koryente sa ilang mga rehiyon.
Nag-iwan ng limang patay si Hurricane Ida habang daan-daang mga tao naman ang nailikas.
Nauna nang naglabas ang National Weather Service ng “heat advisory” sa Southern Louisiana at Mississippi kung saan magiging apektado nito ang dalawang milyong residente ng nasabing lugar.
Maaaring aabot sa 105 degrees ang init na maranasan ng mamamayan at dagdag pa ang wala pang suplay ng koryente.