-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nag apply na sa City Veterinary Office ang apat na malalaking piggery sa South Cotabato para makapasok ng General Santos ang kanilang produktong baboy.

Ayon kay OIC City Vetirinary Officer Dr Emil Gargaran na kaagad binisita ang apat na mga piggery farm sa South Cotabato para matingnan ang kanilang bio security level bago magpalabas ng accreditation.

Dagdag ni Dr Gargaran na alinsunod ito sa pinalabas na Executive Order number 1 ni Gensan Mayor Lorelie Pacquiao para higpitan ang pagpapasok ng mga baboy matapos sinailalim sa red zone ang mga bayan ng Banga, Surallah at Koronadal South Cotabato.

Habang pink zone naman ang bayan ng Tupi, at Tantangan at green zone naman ang Polomolok na katabi lamang nitong lungsod. Dagdag ni Gargaran na sasailalim pa rin sa estriktong monitoring ang mga dadaan na live hog at karne na dadalhin sa ibang lugar .

Ayon pa nito na kung may level 2 ang lugar kailangan na hubarin ang damit na ginagamit sa loob ng piggery at pagbalik dapat ibang damit ang isuot at kailangan ding sasailalim sa dis infection ang sino mang papasok sa lugar.

Nalaman na mahigit sa 40,000 baboy bawat araw ang idadaan sa Makar wharf nitong lungsod.