Muling nahalala bilang pangulo ng Italy si Sergio Mattarella.
Inanunsiyo ni Chamber of Deputies Robert Fico ang panalo ng kasalukuyang pangulo ng Italy.
Nakakuha ito ng 759 na boto sa kabuuang 1009 na boto mula sa “great electors” o mga miyembro ng parliamen at regional representatives na siyang naghalal sa pangulo.
Ito na ang pangalawang beses sa kasaysayan ng Italy na nahalal ng dalawang beses na unang termino nito ay noong 2015.
Unang naging pangulo na nagkaroon ng dalawang beses na termino ay si Giorgi Napolitano na naging pangulo noong 1946.
Magtatapos kasi ang termino ni Mattarella sa Pebrero 3.
Pinuri naman ni Prime Minister Mario Draghi ang pagkapanalo ni Matarella na itinuturing bilang isang malaking tulong sa kasaysayan ng kanilang bansa.