-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pitong mga matataas na uri ng armas ang isinuko ng mga sibilyan sa militar at pulisya sa probinsya ng Cotabato.

Sinabi ni Kabacan Cotabato ABC President Evangeline Pascua Guzman na isinuko ng ilang mga residente mula sa Barangay Pedtad, Buluan, Simone, Sanggadong, Nangaan, Simbuhay, at Tamped ang mga armas.

Pormal namang tinanggap ni 602nd Brigade commander Brig. Gen. Roberto Capulong ang mga isinukong armas na kinabibilanganang apat na caliber .30 MI garand rifles, dalawang caliber .30 MI carbine rifles, isang baby armalite rifle, mga bala at magazine.

Ang pagsuko ng mga armas ay bahagi ng balik baril program ng pamahalaan.

Malaking tulong sa lokal na pamahalaan ng Kabacan ang pagsuko ng mga armas sa sinusulong nitong kaayusan at kapayapaan.

Inihayag naman ni BARMM Kabacan deputy commander Abusna Lubalang na lubos ang kanilang pasasalamat at suporta sa militar.

Nanawagan naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa ilang mga residente na may hawak na baril na walang kaukulang papeles na isuko na sa mga otoridad at mamuhay ng mapayapa.