-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakapagpasa na ang tatlong Heneral at 22 na mga colonels ng Police Regional Office – Davao Region, sa kani-kanilang courtesy resignation.

Ayon kay PRO XI Director Brig. Gen. Benjamin Silo Jr. na sinusuportahan ng kanilang hanay ang panawagan ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr., sa layuning magpatupad ng internal cleansing sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Tiniyak naman ni Silo na walang sino man sa PROXI ang nasangkot sa ilegal na aktibidad sa rehiyon.

Maalalang nagsagawa noon ng masinsinang internal cleansing ang kapulisan, upang maseguro na walang ninja cop sa PNP organization sa Davao Region.

Samantala, kino-konsidera naman ng mga opisyal na isa itong hamon sa kanila at magsisilbing moral stand na rin sa kampanya laban sa illegal na druga.

Sa kabilang dako, nilinaw ni Gen. Silo na ang courtesy resignation ay hindi direktang makakaapekto sa operational activities laban sa illegal drugs at mas palalakasin pa nito ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO).