-- Advertisements --

Ikinatuwa ng ilang matataas na pinuno ng iba’t ibang bansa matapos kumpirmahin ni President Donald Trump ang pagkakapaty kay ISIS leader Abu Bakr al-Baghdadi sa isinagawang operasyon ng US Forces.

Para kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan, malaking tulong umano ang pagkakapatay kay al-Baghdadi sa patuloy na ginagawang pakikipaglaban ng mga bansa sa terorismo.

Bumilib naman si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu dahil sa pinagsama-samang determinasyon ng Estados Unidos at ilan pang bansa para matagumpay na isagawa ang naturang operasyon.

Ayon naman kay UK Prime Minister Boris Johnson na hindi pa rito natatapos ang mahalagang misyon ng mga bansa na siguraduhin ang kapayapaan at kaligtasan ng kanilang nasasakupan.

Pinasalamatan din ni Trump ang mga bansa tulad ng Russia, Turkey, Syria at Iraq dahil sa kanilang binigay na suporta matapos ang matagumpay na operasyon.

Si Baghdadi ang namuno sa naturang jihadist group simula noong 2010 na kumokontrol sa malaking bahagi ng Syria at Iraq. Ang kaniyang grupo rin ang patuloy na nagpapalaganap ng karahasan laban sa religious minorities at umaatake sa limang kontinente sa ilalim ng ultra-fanatic version ng Islam na nagdudulot ng takot sa Muslim community.

Matagal nang inaambisyon ng Estado Unidos na mapatay ang kilabot na lider ng ISIS.

Noong kainitan nang pamamayagpag ng ISIS taong 1995, sinasabing malawak na lugar sa syria at iraq ang kanilang nasakop, kaya naman naka engganyo pa ito ng tinatayang 40,000 foreign fighters upang umanib sa kanila.

Naging kilalang kilabot ang grupo nang mamugot ng ulo ng kanilang mga hostages mula sa Amerika, Britanya at Japan.

Ang US ay nagtakda pa noon ng $25 million na reward na kasing-laki ng patong sa ulo sa napatay din noon na sina Osama bin ladin at Ayman Al-zawahri.

Si Al-Baghdadi ay ipinanganak sa pangalang Ibrahim Awad al-Samarrai noong 1971 sa Tobchi, isang mahirap na lugar sa bayan ng Samarra, sa north ng Iraqi capital Baghdad.

Ang kanyang pangalan ay kinuha sa lugar na Baghdad.

Kung tutuusin ang mga magulang ni Al-Baghdadi ay mga ultra-conservative mula sa Sunni Islam.

Sumali ito sa armed movement sa Iraq noong 2003, ang taon na siyang nanguna ang US sa invasion sa Iraq. Naaresto ito ng US troops pero pinalaya rin makalipas ang isang taon dahil sa akala nila na hindi naman ito military threat.

Noong taong 2005, si Al-Baghdadi na ama ng limang mga anak ay nagpahayag nang allegiance kay Abu Musab al-Zarqawi, ang lider ng al-Qaeda sa Iraq.

Kung maaalala rin si Al-Zarqawi ay napatay ng US drone attack noong taong 2006.

Makalipas ang ilang buwan, ang mga tagasunod ni Al-Zarqawi ay humiwalay sa al-Qaeda at bumuo ng Islamic State of Iraq (ISIS) makaraang makipag-alyansa rin sa ibang mga armadong grupo.

Nang mapatay din ang humalili kay al-Zarqawi na si Abu Omar al-Baghdadi, sumunod na umeksena si Abu Bakr al-Baghdadi na siyang namuno sa ISIS mula 2010.

Pinalawak pa nito ang grupo sa Syria at paghahasik ng karahasan.

Binago naman nito ang pangalan nila at ginawang Islamic State of Iraq and the Levant noong taong 2012.