-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinaigting pa ng militar ang pagtugis sa mga armadong grupo na nanambang patay sa tatlong Cafgu sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Roy Galido na ginalugad ng tropa ng 90th Infantry Battalion Philippine Army kasama ang mga opisyal ng Barangay ang mga kabahayan ng mga residente ng Sitio Edzap Barangay Lagunde Pikit Cotabato

Nasamsam ng mga sundalo ang dalawang M14 rifles,isang kalibre.45 na pistola,samut saring mga bala,mga magasin at fatique uniforms.

Tinanggi naman ng mga residente na hindi nila pag-aari ang mga armas.

Ang pursuit operation ng militar ay tugon sa pahayag ng ilang mga saksi na humalo sa mga sibilyan at nagtago sa kabahayan ang mga armadong kalalakihan na nanambang patay sa tatlong kasapi ng Cafgu.

Sa ngayon ay naghigpit pa ang militar at pulisya sa pagpapatupad ng seguridad sa bayan ng Pikit Cotabato.