-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakompiska ng militar ang mga matataas na uri ng armas sa isang Barangay Kapitan sa probinsya ng Cotabato.

Sa ulat ng 602nd Brigade,naharang ng tropa ng 90th Infantry Battalion Philippine Army sa Barangay Inug-ug Pikit Cotabato ang isang pick-up na pagmamay-ari ni Brgy Balabag Pikit Cotabato Brgy Kapitan Rasul Akmad.

Sakay ng pick-up ang anim na mga kalalakihan kabilang na si Kapitan Akmad na nagpakilalang mga tauhan ng 129th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na may mga dalang mga baril.

Hinanapan ng mga dokumento ng mga armas ng militar ang grupo ni Akmad ngunit wala itong maipakita kaya silay hinuli.

Nakuha ng militar mula sa nagpakilalang mga kasapi ng MILF ang apat na M16 rifles,isang M14 rifle,isang M653 rifle,sangkaterbang mga bala,mga magasin,bandollers at ibang mga war materials.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng 90th IB sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Rommel Mundala katuwang ang Pikit MPS sa mga nakompiskang kagamitan pagdigma at sa mga nahuling nagpakilalang mga kasapi ng MILF.