Ipinagmamalaki ng Gobyerno ng Pilipinas ang pagpapanatili ng kanilang Tier 1 RANK para sa ikasiyam (ika-9) na magkakasunod na taon.
Ito ay kinilala sa naging Ulat ng Trafficking in Persons (TIP) ng United States Department of State.
Binibigyang-diin ng natatanging pagkilalang ito ang patuloy na pagtutulungan at pagsisikap ng bansa at pambihirang pagganap sa paglaban ng human trafficking at pagprotekta sa mga karapatan ng mga biktima.
Ang Tier 1 ranking, ang pinakamataas na pagtatalaga sa TIP Report na nagpapahiwatig lamang na ang Pilipinas ay ganap na nakakatugon sa minimum standards para sa pag-aalis ng human trafficking.
Itinatampok ng parangal na ito ang mga komprehensibong hakbang na ipinatupad ng gobyerno ng Pilipinas, na pinangunahan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), upang tugunan ang human trafficking sa pamamagitan ng prevention, protection, prosecution, at partnership initiatives.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla, ito ay magsisilbing motibasyon para ipagpatuloy nila ang paghahabol sa mga human trafficker at pagliligtas sa mga biktima nito.
Pinuri rin ng kalihim ang walang patid na pagsisikap ng DOJ-IACAT para muling itaguyod ang laban sa human trafficking.