-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naging positibo ang resulta ng ginawang pakikipagpulong ni Kidapawan City Mayor Atty.Jose Paolo M. Evangelista sa mga City Mayors ng Rehiyon 12.

Layunin ng pagpupulong ang pagkakaroon ng matatag na ugnayan ng mga Local Chief Executives o mga City Mayors ng bawat rehiyon alinsunod sa mithiin ng League of Cities in the Philippines o LCP.

Nagsilbing host ng luncheon meeting si Koronadal City Mayor Eliordo Ogena.

Maliban kina Mayor Ogena at Evangelista, dumalo din si Tacurong City Mayor George Lechonsito samantalang di naman nakadalo si General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao dahil sa naunang engagement nito.

Gayunpaman ay pinag-usapan nina Mayor Ogena, Evangelista at Lechonsito ang kani-kanilang best practices sa usapin ng maayos na pamamahala at pagpapatakbo ng kani-kanilang Local Government Units.

Si Mayor Ogena ay nasa kanyang ikalawang termino, ay siyang representante ng Region 12 sa maimpluwensyang LCP.

Habang sina Mayor Evangelista, Lechonsito at Pacquiao ay mga neophyte Local Chief Executives.

Tiniyak ng naturang mga opisyal na sa pamamagitan ng matatag na ugnayan ng mga lungsod ng Kidapawan, Koronadal, Tacurong at General Santos City ay mas lalago pa ang kanilang mga nasasakupan at buong SOCCSKSARGEN Region sa pangkalahatan.