-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kampeon ang mga Mathletes ng Sarrat National High School sa ginanap na The Guangdong – Hong Kong – Macao Greater Bay Area Mathematical Olympiad sa Macao.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Mr. Michael Malvar, ang Coach sa Sarrat National High School, ang mga estudyante na nanalo sa nasabing kompetisyon, sa larangan ng Secondary 2 ay sina Brian Jansen Vallejo, ang World Champion at nakakuha ng Gold Award, Allen Iver Barroga, ang World 1st Runner Up at nakabulsa ng Gold Award, Natalie Margaret Balisacan ay nakauwi ng Gold Award at sa larangan naman ng Secondary 3 ay si Zyrene Angelica Dulluog, ang World Champion at nakakuha ng Gold Award habang sa larangan ng Senior Secondary ay si Ivan Genesis Calaro na nakapag-uwi naman ng Silver Award.

Aniya, libu-libong mga estudyante ang nakilahok sa International Competition mula sa 13 bansa sa buong mundo kabilang na ang Asian countries, Europe at Australia.

Paliwanag niya na sa lahat ng patimpalak na nakisalihan nila ay ito ang itinuturing nilang pinakamahirap.

Sabi niya, ginugol nila ang kanilang oras sa pageensayo sa pamamagitan ng pagrebyu tuwing Sabado at Linggo.

Samantala, kung sakaling makakuha sila ng gold medal ng dalawang beses sa finals ay makakapasok na sila sa World International Mathematical Olympiad.