-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inaalam na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Mati City, Davao Occidental kung may idunulot na pinsala ang magnitude 7.3 na lindol na yumanig sa lalawigan pasado ala-1:46 kaninang madaling araw.

DAVAO ORIENTAL PHIVOLCS MATI

Ayon sa Phivocls naramdaman ang pagyanig sa silangang bahagi ng city of Mati (Davao Oriental).

Natukoy ang sentro na may lalim na 13 kilometers at tectonic in origin.

Sa mga reported intensities nasa Intensity V ang General Santos City; Intensity IV – Koronadal City; Tampakan, South Cotabato habang sa Instrumental Intensities nasa Intensity IV – General Santos City, South Cotabato, Kiamba Sarangani; Intensity III – San Francisco, Southern Leyte, Abuyog Leyte, Kidapawan CIty, Cotabato, Hinunangan, Southern Leyte; Intensity II – Sainte Bernard, Southern Leyte, Dulag, Leyte, Surigao City, Surigao Del Norte, Palo, Leyte at Intensity I – Alangalang, Carigara, Leyte

Sinabi pa ng Phivolcs asahan umano ang pinsala at aftershock matapos ang nasabing pagyanig.

Magsasagawa ng assessment ang mga otoridad sa lugar upang makita ang pinsalang dulot ng nasabing lindol.