LEGAZPI CITY – Inihayag ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na kailangan ng matibay na batas kung hangad na palakasin ang kampanya laban sa korapsyon.
Ayon kay PACC Chairman Greco Belgica sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, dapat na madagdagan ang mga korte at imbestigador sa bansa upang mapabilis ang pasugpo ng korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Mahalaga rin ang pagpapaikli ng mga sistema at proseso sa imbestigasyon.
Sinabi pa ni Belgica na kung mayroong Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa war on drugs at PNP sa war on crimes dapat ay may nakatalaga rin sa war on corruption.
Hiling rin nito ang pagpapalawak ng hurisdiksyon ng PACC kung saan ay maari ng sakupin ang mga eletec officials at mga mababang rango sa gobyerno.
Mas maganda aniya kung maibabalik na rin ang death penalty at gawin ng isang heinous crime ang korupsyon.
Kung mangyayari aniya ang lahat ng ito, mas marami na ang makakasuhan, maiimbestigahan at matatatangal sa pwesto na mga korap na opisyal.
Maliban pa dito hindi, magkakaroon ng pangil at mas kakatakutang ang batas at posibleng mas umayos pa ang mga nasa gobyerno.
Hindi man aniya tuluyang mawala ang korapsyon subalit kayang mapigilan kung mayroong mga matitibay na batas.