-- Advertisements --

Umakyat pa sa 46 ang patay matapos ang pananalasa ng Hurricane Ida sa New York at New Jersey.

Ang New Jersey ay nag-anunsiyo ng 23 patay habang 16 sa New York State.

Sinabi ni Gov. Phil Murphy, karamihan sa mga namatay ay naabutan ng baha habang nasa loob ng kanilang sasakyan at nalubog ito sa tubig.

Dose-dosena rin ang namatay mula sa Connecticut, Maryland, New Jersey, New York, Pennsylvania at Virginia dahil pa rin sa matinding pagbaha.

Nauna nang sinabi ni New York City’s mayor Bill de Blasio na magsibi sanang pinakamalaking “wake-up call” sa mga mamamayan ang naranasang matinding pagbaha sa kanilang lugar.

Napag-alaman na nasa 20 million residente ang apektado ng pagbaha dulot ng Hurricane Ida.