-- Advertisements --
ronald bato dela rosa
Ex-PNP chief and retired Gen. Ronald “Bato” dela Rosa

DAVAO CITY – Matinding ehersisyo umano ang ginawa ng dating PNP chief na si retired Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na bahagi ng paghahanda sa kanyang pag-upo bilang bagong senador.

Ayon kay Dela Rosa sa Bombo Radyo, kung uupo na siya sa Senado isa umano sa kanyang tututokan ang pagbabalik ng death penalty lalo na sa mga drug traffickers dahil sa nagpapatuloy na problema ng iligal na droga.

Aminado si Bato na kailangan pa niyang matuto sa kanyang magiging trabaho bilang senador.

Malaking tulong daw ang pahayag ni Sen. Panfilo Lacson na isasailalim sa orientation seminar ang mga bagong mananalo para malaman ng mga ito ang kanilang magiging trabaho sa Senado.