Nagbabala ang International Labor Organization sa mga manggagawa hinggil sa posibleng dulot na mental health illness dahil sa matinding init ng panahon na nararanasan ngayon sa bansa.
Ayon sa nasabing ahensya bukod kasi sa panganib ng heat stroke at stress, maaari rin makaramdam ang mga manggagawa ng stress at anxiety na maaaring mauwi sa depresyon at kapag hindi kinaya ay baka humantong din sa suicide.
Ito umano ay maaaring mangyari kung sakaling pinili ng mga empleyado na umalis sa trabaho dahil sa nakakapasong init na nararanasan ng mga ito sa kanilang mga trabaho.
Dagdag din ng International Labor Organization, halos nasa 2.4 bilyon na mga tao ang nagtatrabaho na direktang bilad sa araw.
Kaya naman agad na umaksyon dito ang Department of Labor and Employment, dahil kung matatandaan, nagsagawa ito ng mga polisiya upang makatulong sa mga manggagawa.
Ilan sa mga ito ay ang pagbibigay ng sapat na bentilasyon, pag a-adjust ng oras ng pahinga, pagkakaroon ng komportableng mga uniporme na naaayon sa temperatura at pagbibigay ng sapat na proteksyon upang labanan ang matinding init sa kanilang mga lugar.