-- Advertisements --
image 303

Bumaba ang lebel ng tubig sa dalawang surface water sources ng Metro Cebu Water District, ang Buhisan at Jaclupan dahil sa matinding init sa lugar.

Nasa 3,000 cubic meter hanggang 5,000 cubic meter kada araw ang ibinababa ng lebel ng tubig ng Buhisan dam samantalang ang Jaclupan Dam naman ay nasa 25,000 hanggang 30,000 cubic meter ang ibinababa kada araw.

Kahit umano sapat pa ang tubig sa nasabing lugar, hinikayat ng supplier ng tubig ang mga consumer na simulan na ang pagtitipid dito.

Samantala, matatandaan naman na nitong Abril 22 bumaba ang lebel ng tubig sa Angat dam hanggang 196.52 samantalang ang Ipo dam sa ngayon ay nasa 98.87 meters, ang La Mesa dam naman ay nasa 77.17 meters, ang Ambuklao na may 740.15 meters, ang Binga Dam ay nasa 566.62 meters, ang San Roque ay may 236.03 meters, at ang Caliraya ay may 286.13 meters.