-- Advertisements --
Umabot na sa mahigit labing apat na milyong piso ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura bunsod ng pag-ulan dulot ng shearline sa Davao Region at Caraga.
Ayon kay Director Edgar Posadas tagapagsalita ng office of Civil Defense, inaasahang tataas pa ang halaga ng pinsala sa agrikultura dahil nagpapatuloy ang rapid assessment.
Umakyat naman sa 100,000 pamilya ang naapektuhan ng mga pag-ulan katumbas ng 400 indibidwal.
Siyam na libo ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers na unti-unti na rin umanong bumababa ang bilang.
275 na barangay sa Caraga at Davao Region ang naapektuhan ng pag-ulan.
Apat na lugar na ang kumpirmadong nagdeklara ng state of calamity.