-- Advertisements --
Magpapatupad ng matinding seguridad ang Indonesia sa mga simbahan ngayong Easter Sunday.
Ito ay matapos ang nangyaring bomb attack sa isang simbahan noong nakaraang Linggo.
Ipapakalat sa mga simbahan ang mga kapulisan at sundalo kasabay ng pagdiriwang ng Easter Sunday ng Simbahang Katolika.
Ayon kay Indonesian Communion of Churches spokesman Philip Situmorang, matatag pa rin ang paniniwala ng mga Katoliko kahit na ilang beses ang nangyayaring pang-aatake sa mga simbahan.
Magugunitang 20 katao ang sugatan sa dalawang pagsabog ng bomba sa isang simbahan sa Makassar City sa Sulawesi Island kung saan pinasabog din ng mga suicide bomber ang kanilang sarili.