-- Advertisements --
Maraming mga sasakyan ang naipit sa matiding trapiko sa eastern Virginia dahi sa nararanasang winter storm.
Nagdulot ng matinding trapiko sa Interstate 95 ang nasabing sama ng panahon.
Ayon sa Virginia Department of Transportation na isa rin sa nagdulot ng trapiko ay ang pagkakasira ng ilang truck sa kalsada sa pagitan ng Richmond at Washington DC.
Hindi rin sila makaalis agad dahil sa maraming mga kalsada rin ang hindi madaanan bunsod ng pagkakatumba ng mga punong kahoy at makapal na yelo na nasa kalsada.
Tiniyak naman ni Virginia Governor Ralph Northam na kaniyang ipapakalat ang mga emergency personnel para tulungan ang mga nasirang sasakyan dahil sa winter storm.