Nagpaalala na ang pamunuan ng Manila local government unit na makakaranas ng matinding trapiko sa bahagi ng Binondo dahil sa mga parada na gaganapin simula 2:00pm ng hapon bilang bahagi ng selebrasyo ng Chinese New Year.
Sa inilabas na abiso ng Manila Public Information Office, Ang mga dadaanang ruta ng parada ay simula Manila Post Office, kakanan ito sa Jones Bridge, muling liliko pakanan sa Escolta, kakaliwa sa Plaza Sta. Cruz at Dasmarinas Street, muling kakanan sa Quintin Paredes at Ongpin Street, Kakaliwang muli sa Alonzo, Soler at Reina Regente hanggang makarating ito ng Lucky Chinatown.
Kasunod nito ay ipinagbawal din ang mag-park ng mga sasakyan sa mga ruta na dadaanan ng parada para sa mas maluwag na daloy nito.
Huhulihin naman at ipapa-tow ang mga sasakyan ng mga violators na lalabag dito.
Samantala, nagabiso naman ang pamunuan ng Manila City na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta para hindi na maipit sa trapiko na inaasahang aabutin hanggang gabi ngayong araw.