-- Advertisements --

Nauwi sa palitan ng putok ang matiwasay na sanang buy-bust operations ng CIDG-BAR sa Barangay Upper Itil, Balabagan, Lanao Sur.

Ayon kay CIDG-BAR RD Lt.Col. Ariel Huesca, sugatan sa shootout ang isa sa mga suspek na si Billy Jack Ogca, kapitan ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan na idineklara ding dead on arrival sa pagamutang pinagdalhan dito habang nakatakas ang mga kasamahan nitong sakay ng puting pick-up.

Kabilang sa mga nakatakas ang mga nakasuot ng unipormeng pang militar at isang nakasuot ng pangsibilyan.

Nakatakas din ang driver ng motor at angkas nitong babae na nagsilbing middleman sa transaksyon.

Tumakas ang mga nabanggit ng magkaroon ng shootout at isang nakamilitary uniform ang tumalilis ng takbo papasok ng army detachment malapit sa pinangyarihan ng shootout.

Sa naging follow-up operation ng CIDG, sinubukan pang habulim ng CIDG ang isang nakasuot ng army uniform na pumasok sa detachment ngunit ayon sa mga nakaduty na personahe, wala silang napansin na nagtago sa lugar.

Narekober naman sa pinangyarihan ang isang puting pick-up at tatlong M16 rifles, kalibre 7.62, isang kalibre 45 na pistola at daan daang bala at mga magasin.

Nakuha naman sa namatay na kapitam ang isang kalibre 45, magasin at mga bala.

Habang pinoproseso naman ng mga kawani ng SOCO ang pinangyarihan ay pinaputukan naman ito ng mga di pa tukoy na armadong kalalakihan.
Nakaligtas sa naturang pagpapaputok ang mga personahe ng SOCO.