Pakaka-abangan ngayon ang paglabas ng matrix ng Quad Committee na nag-uugnay kay dating presidential adviser Michael Yang sa operasyon ng illegal drugs.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, naka sentro ang usapin ngayong araw sa EJK, illegal drugs at POGO.
Sinabi ni Pimentel sa nasabing matrix makikita ang mga personalidad na may kaugnayan sa operasyon ng iligal na droga at POGO.
Binigyang-diin ni Pimentel na makikita din sa matrix kung gaano kalalim ang pagkakasangkot ni Michael Yang sa illegal drugs at POGO.
Ang matrix na nakuha ng Quad Comm ay mula sa impormasyon na ibinahagi ng ibat ibang law enforcement agencies gaya ng PAOCC.
Sa kaso naman ni Tony Yang nakikita na posibleng sangkot din ito sa shipment ng illegal drugs at smuggling activities lalo na sa bigas.
Tumanggi naman sabihin ni Pimentel na kung kasama ang pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa matrix.
Inihayag din ng Kongresista na may mga surprise speakers din na inaabangang magsalita at maglahad ng mga rebelasyon.
Tumanggi si Pimentel na sabihin kung sino ang mga nasabing personalidad.
Inimbitahan din ng Quad Comm ang kapatid ni Michael Yang na si Tony Yang na naaresto kamakailan sa NAIA dahil sa kasong identity theft at paglabag sa immigration laws.
Bukod kay Tony Yang aabangan din ang pagharap nina Alice Guo, Cassandra Ong at iba pa.