-- Advertisements --

Itinuturing ng actor na si Matt Damon na isang “fairy tale” ang paninirahan niya sa Ireland noong coronavirus lockdown.

Naabutan kasi ng lockdown sa Dublin ang Hollywood actor kasama ang pamilya habang ginagawa ang pelikulang “The Last Duel” .

Ibinunyag din ng actor na ang panganay nitong anak na babae na si Alexia ay nagpositibo sa COVID-19 habang nasa kolehiyo sa New York.

Nagpasalamat na lamang ito dahil nalagpasan ng anak nito ang nasabing virus.

Kuwento pa nito na naging maganda ang lugar nila na tila nasa gubat sila.

Pinuri din nito si Irish Prime Minister Leo VaradKar na isang doktor dahil nagtatrabaho sa pagamutan isang beses sa isang linggo.

Uuwi na lamang aniya sila sa Los Angeles para makasama ang anak nitong babae kapag pinayagan na silang makabiyahe mula sa Ireland.