Puspusan na ang paghahanda ni Matteo Gudicelli para sa bagong misyon nito bilang bahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa 29-year-old Fil-Italian actor, isang buwan siyang mawawala para sa kanyang 45-day training program sa Camp Tecson sa Bulacan bilang scout ranger ng AFP.
“I’ll be in the military for one month. I’m entering on May 27 then I’ll be out July 1. It’s not normal military, it’s a scout ranger school,†ani Gudicelli.
Una nang inihayag ng boyfriend ng celebrity ding si Sarah Geronimo na wala sa kanyang plano ang maging bahagi ng AFP na noon ay isang pangarap lang.
Gayunman, lubos aniya ang kanyang paghanga sa mga Pilipinong sundalo na nakikipagsapalaran ng kanilang buhay para sa bayan at hangad na maraming pang kabataan ang magkaroon ng interes na pasukin din ang militar sa Pilipinas.
“Parang this is my advocacy on reminding the Filipino youth to be proud to be Filipino, to look at the flag and say ‘I’m Pinoy’ and to proud to be Filipino,†dagdag nito.
Samantala, ibinunyag din ni Matteo na dagdag sa kanyang inspirasyon ay ang ibinigay na goodluck wish mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte nang siya ay bumisita sa Palasyo noong nakaraang buwan.
Sinasabing 30 minutong nag-usap ang dalawa kung saan tinalakay ni Matteo ang kanyang mga planong proyekto para sa mga sundalo.
“That was what the meeting was about. He’s into that … he wants discipline in the country again—among the youth, especially. When I told him (Duterte) about my project, he was very interested and he wished me luck … It was nice to have his approval; it’s added inspiration,†ani Gudicelli.