Inamin ng aktor na si Matteo Guidicelli na nakaramdam ito ng goosebumps sa ikalawang beses na pagkikita nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito, nagtungo si Matteo sa Sulu dahil sa sinamahan nito si Philippine Army chief, Lt. Gen. Macairog Alberto sa pagbisita sa mga sugatang sundalo sa nangyaring pamomomba doon noong nakaraang linggo.
Sa kanyang social media post, labis ang kanyang paghanga sa Pangulong Duterte dahil nakita niya kung paano nito sinuportahan ang mga sundalo.
“I personally witnessed President Duterte award medals to our wounded soldiers that were victims of the bombing incident,” saad ni Guidicelli.
“I salute you!” The president said to each wounded soldier. I have to be honest and say I had goosebumps! The love, support and respect he gives to our men and women in uniform is beyonds words.”
Unang nagkadaupang-palad sina Matteo at Pangulong Duterte noong Abril, ilang araw pagkatapos nitong magpa-enlist sa Army Reserve Command (ARESCOM).
Si Matteo, na may ranggong probationary 2nd lieutenant, ay katatapos lamang na sumailalim sa scout ranger orientation training sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan.