Ginawaran ng espesyal na pagkilala ang aktor na si Matteo Guidicelli kasabay ng pagtatapos nito sa kanyang halos isang buwang training ng Scout Ranger Orientation Course sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan ngayong araw.
Batay sa impormasyon, kabilang sa mga iginawad sa 29-year-old Filipino-Italian actor ay ang special recognition, letter of commendation, at scout ranger replica dahil sa pagiging outstanding student mula sa 97 nagtapos.
Si Matteo rin ang nanguna sa kanyang mga kasabayan kung saan nakakuha siya ng pinakamataas na grado sa 92.20 percent.
Nabatid na si Guidicelli ay 2/Lt. sa Army Reserve Command (ARESCOM) ng Philippine Army.
Samantala, dumalo sa graduation rites ang mga magulang ni Matteo at ang kanyang celebrity girlfriend of five years na si Sarah Geronimo.
Humalik ang aktor sa kanyang mga magulang gayundin kay Sarah na nakaupo katabi ng mga ito.
“I’ll be in the military for one month. I’m entering on May 27 then I’ll be out July 1. It’s not normal military, it’s a scout ranger school,†saad ni Gudicelli sa dating panayam nang magpaalam sa kanyang mga fans.
Una nang inihayag ni Matteo na lubos aniya ang kanyang paghanga sa mga Pilipinong sundalo na nakikipagsapalaran ng kanilang buhay para sa bayan at hangad na maraming pang kabataan ang magkaroon ng interes na pasukin din ang militar sa Pilipinas.
Kung maaalala, ibinunyag din ni Matteo na dagdag sa kanyang inspirasyon ay ang ibinigay na goodluck wish mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte nang siya ay bumisita sa Palasyo noong nakaraang buwan.
Sinasabing 30 minutong nag-usap ang dalawa kung saan tinalakay ni Matteo ang kanyang mga planong proyekto para sa mga sundalo.