Ilang araw bago ang Semana Santa, ramdam na sa ilang mga merkado ang tumal ng mga namimili ng karneng baboy.
Sa isang araw umano, laging may natitirang paninda hindi tulad noon na kung minsan ay kulang pa ang supply.
Sa ngayon ang supply sa ilang merkado ay sumasapat pa naman dahil na rin sa kokonti ang bumibili at sa pagtaas ng presyo nito.
Kung matatandaan ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines, posibleng tumaas ang presyo nito ng P30 hanggang P40 sa buwan ng Abril dulot ng African Swine Fever, ngunit dalawang araw bago ang nasabing buwan ay ramdam na ang pagtaas ng presyo nito.
Pareho naman halos ang naging pahayag ni Oliver Salazar, aniya sa ngayon ay isda, manok at gulay ang kadalasang binibili at hindi ang karneng baboy.
Nasa kabuuang sampong probinsya at apat na put walong mga bayan ang apektado ng African Swine Fever sa bansa.
Bagamat hindi pa gaanong ramdam ang kakulangan sa supply, asahan umano ito sa mga susunod na buwan.
Ayon sa pinakabagong datos ng National Livestock Program ng Department of Agriculture, nasa 200,000 metric tons ang posibleng kakulangan sa kinakailangan suplay ng karneng baboy.
Atin pang ina antabayanan dahil ito naman raw ay posible pang magbago ayon sa Department of Agriculture, depende pa sa resulta ng kanilang pag-aaral.