-- Advertisements --

Makakaranas ng maulap na kalangitan ang buong bansa ngayong Easter Sunday.

Ayon sa PAGASA, ang Bicol Region, Visayas, at Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms bunsod ng easterlies.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaranas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasama ring isolated rainshoweres pero dahil naman sa localized thunderstorms.

Ang mga residente sa nabanggit na lugar ay pinag-iingat sa posibleng pagkakaroon ng flash flood kapag may severe thunderstorms.