-- Advertisements --
Aasahan pa rin ngayong araw ang maulap na kalangitan hanggang sa pagkakaroon ng bahagyang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa .
Ito ay dulot ng patuloy na pag-iral na easterlies .
Batay sa data ng state weather bureau, maaaring magkaroon ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Eastern Visayas dahil sa naturang weather system.
Bahagyang maulap rin na may isolated rain showers o thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.
Halos parehong lagay ng panahon ang aasahan sa Batanes at Babuyan Islands dulot ng northeasterly wind flow.
Mahanging panahon rin ang iiral ngayong araw sa extreme northern Luzon.