-- Advertisements --

Ibinunyag ng beauty queen na si Maureen Wroblewitz na mayroon na itong bagong nobyo.

Ito ay ilang buwang pakikipaghiwalay sa dating nobyo nito na si JK Labajo.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng video na may kasamang lalaki.

Hindi naman nito binanggit kung sino ang someone at sinabing malalaman din ng mga fans sa darating ng mga panahon.

Magugunitang noong Nobyembre pa ay nahihiwagaan ang mga fans dahil sa may lalaki itong kasama sa mga post niya sa social media.